Habang binibendisyunan ng pari ang iyong katawan
at aking kalamnan, nagising ang kalooban
dahil ang tubig - na naglulan sa 'yo sa sinapupunan
at naghatid sa 'yo sa pananampalataya -
ang siya ring tubig na ngayo'y tatangay
sa 'yo sa huling hantungan;
at ang mga iyak na sumalubong sa 'yo
sa magulong mundong ito
ang siya ring mga iyak na umaawit ng punebre
sa huling araw mo;
at ang init ng laman na noo'y nagpuyos
at nagbunga sa pagka-tao mo
ang siya ring init ng apoy na lumalamon sa 'yo.
Naisip ko tuloy bigla
ang buhay parang tula:
iisa ang dulo,
iisa ang simula.
- written after the cremation of a grandparent (in 1999?)
Welcome to The Chronicle of Change
The Chronicle of Change is a collection of poetry written since the 1990s. As most of the poems are in hard copy, I will have to encode them one by one, so bear with me. I will be posting them as I go along.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.
Tuesday, October 30, 2007
Prologue
Ngumanga ang langit
nagbuhos ng yelo.
Bumagyo ng bato
tinamaan ako sa ulo
Nagising si Pedro
nagbulalas ng berso
isinulat sa papel
itinaga sa bato.
Ang lahat sa buhay
nagbago.
Ngayon,
isa na akong liriko.
- written in 2000 for a book that was never published
nagbuhos ng yelo.
Bumagyo ng bato
tinamaan ako sa ulo
Nagising si Pedro
nagbulalas ng berso
isinulat sa papel
itinaga sa bato.
Ang lahat sa buhay
nagbago.
Ngayon,
isa na akong liriko.
- written in 2000 for a book that was never published
Epilogue
Dumating ang bagyo
ng yelo at bato.
Ang kawawang Pedro
tinamaan sa ulo,
naglabas ng tabo't
hinarap ang bagyo,
sinalok ang berso't
isinubo ito.
Ang lahat sa buhay
nagbago.
Ngayon,
nakapagluwal na ako.
- written in 2000 for a book that was never published
ng yelo at bato.
Ang kawawang Pedro
tinamaan sa ulo,
naglabas ng tabo't
hinarap ang bagyo,
sinalok ang berso't
isinubo ito.
Ang lahat sa buhay
nagbago.
Ngayon,
nakapagluwal na ako.
- written in 2000 for a book that was never published
Sunday, October 14, 2007
Masaksak-Patay
Nagpuyos ang mga damdamin
nag-init ang laman
nagsalpukan.
Anim ang patay
sa kalyeng nadaanan.
Suntukan
nauwi sa saksakan.
Kumuha ng baril
kumitil
ng inosenteng usyosero.
Ikapito akong bumagsak
nasaksak
patay.
- written in 2000
nag-init ang laman
nagsalpukan.
Anim ang patay
sa kalyeng nadaanan.
Suntukan
nauwi sa saksakan.
Kumuha ng baril
kumitil
ng inosenteng usyosero.
Ikapito akong bumagsak
nasaksak
patay.
- written in 2000
Vandalismo
Sapat na kaya ang minsang pagdadabog
sa harap ng mga piping dingding,
ang pagpukol ng inis sa maputing pader,
para ibsan ang nag-uumapaw na galit?
Sapat na kaya ang pananahimik sa telepono
habang kausap ang kaibigang alam mong
ipinagkanulo ka na sa demonyo?
O ang lumulon nang sapilitan para pigilan
ang pagbulwak ng kulong kanina pang
naghihintay kumawala mula lalamunan?
Paanong lulunasan ang hapdi ng sugat
sa pagkatao kung alam mong tagos
hanggang kaibuturan ang hiwa?
Sapat na kayang magpakalunod,
o magpakaanod kaya, sa kahibangan
ng kawalang-katinuan, sa kabaliwan?
Tama na kaya ang pagkitil ng daloy ng dugo
sa leeg, o 'di kaya sa braso, sa talas ng kutsilyo,
at ang pagpahid nitong mapulang dugo
sa imakuladang pader ng mga salitang,
"Heto ako, mga putang ina n'yo,
nang iniwan n'yo ako!"?
Sapat na nga kaya ito?
- written some time in 2000
sa harap ng mga piping dingding,
ang pagpukol ng inis sa maputing pader,
para ibsan ang nag-uumapaw na galit?
Sapat na kaya ang pananahimik sa telepono
habang kausap ang kaibigang alam mong
ipinagkanulo ka na sa demonyo?
O ang lumulon nang sapilitan para pigilan
ang pagbulwak ng kulong kanina pang
naghihintay kumawala mula lalamunan?
Paanong lulunasan ang hapdi ng sugat
sa pagkatao kung alam mong tagos
hanggang kaibuturan ang hiwa?
Sapat na kayang magpakalunod,
o magpakaanod kaya, sa kahibangan
ng kawalang-katinuan, sa kabaliwan?
Tama na kaya ang pagkitil ng daloy ng dugo
sa leeg, o 'di kaya sa braso, sa talas ng kutsilyo,
at ang pagpahid nitong mapulang dugo
sa imakuladang pader ng mga salitang,
"Heto ako, mga putang ina n'yo,
nang iniwan n'yo ako!"?
Sapat na nga kaya ito?
- written some time in 2000
Stigmata
Minsan kang sumuntok sa buwan
sumadya sa aking luklukan
nag-iwan ng pilat na pilit
tinago sa paningin ng mga
mahadera't usyosero.
'Di kalakihan pero maitim
nakasisira sa paningin
dahil sa harap ng marami
marumi. Kahiya-hiya.
Sugat na 'di naglangib
galis na 'di maalis.
Ngayon inaamin ko na:
ang minsan mong pagkanti
sa natutulog kong kaluluwa'y
sumundot sa pusod ng pagkatao.
Gamit mo'y salaming humiwa
sa balat kong manhid at kinakalyo,
nagbalik ng imahe ng katotohanan,
ng kahubarang pilit iniwasan.
Ang pilat mong iniwan
mukha ng tunay kong kahinaan.
- written some time in 2000 for Tina
sumadya sa aking luklukan
nag-iwan ng pilat na pilit
tinago sa paningin ng mga
mahadera't usyosero.
'Di kalakihan pero maitim
nakasisira sa paningin
dahil sa harap ng marami
marumi. Kahiya-hiya.
Sugat na 'di naglangib
galis na 'di maalis.
Ngayon inaamin ko na:
ang minsan mong pagkanti
sa natutulog kong kaluluwa'y
sumundot sa pusod ng pagkatao.
Gamit mo'y salaming humiwa
sa balat kong manhid at kinakalyo,
nagbalik ng imahe ng katotohanan,
ng kahubarang pilit iniwasan.
Ang pilat mong iniwan
mukha ng tunay kong kahinaan.
- written some time in 2000 for Tina
Eclipse
Nasaan ka araw
nang kinailangan ko ang iyong init?
Nasaan ka noong ako'y nilalamig?
Hinigop na ng hangin
ang natitirang buhay
sinipsip mula sa balat
pinaglaho sa kawalan
ng kalawakan.
Paano na ngayon pag-aapuyin
nagyelo kong damdamin?
Paano pang babawiin
katinuan kong nagdilim?
- written in 2000
nang kinailangan ko ang iyong init?
Nasaan ka noong ako'y nilalamig?
Hinigop na ng hangin
ang natitirang buhay
sinipsip mula sa balat
pinaglaho sa kawalan
ng kalawakan.
Paano na ngayon pag-aapuyin
nagyelo kong damdamin?
Paano pang babawiin
katinuan kong nagdilim?
- written in 2000
Thursday, October 4, 2007
Kay Mito
Nakita kitang sumilip
mula sa likod ng bintana kong
bahagyang nakapinid
kumakaway nang buong kisig
sa bawat kumpas ng
mapaglarong hangin
at umiindayog sa bawat lisya
ng tusong bagyo,
tila sinasabayan
ang bugso ng bawat kong
hininga at ang dagundong
ng bawat pintig ng pulso
sa sentido.
Sa pakikipag-buno
bungkos-bungkos na dahon
ang kumikiskis-kiskis
na parang marakas
sa koro ng ulang
nagsisipilantikan
sa bubungang yero.
Kahanga-hangang
sa gitna ng unos
mistulan kang balerina't
musikero!
- written one stormy morning in 2000
mula sa likod ng bintana kong
bahagyang nakapinid
kumakaway nang buong kisig
sa bawat kumpas ng
mapaglarong hangin
at umiindayog sa bawat lisya
ng tusong bagyo,
tila sinasabayan
ang bugso ng bawat kong
hininga at ang dagundong
ng bawat pintig ng pulso
sa sentido.
Sa pakikipag-buno
bungkos-bungkos na dahon
ang kumikiskis-kiskis
na parang marakas
sa koro ng ulang
nagsisipilantikan
sa bubungang yero.
Kahanga-hangang
sa gitna ng unos
mistulan kang balerina't
musikero!
- written one stormy morning in 2000
Ulan Ulan Bantay Kawayan
Umagang kaydilim
ang bumulaga sa akin
pagkagising mula sa tulog
na mahimbing;
hanging kaylakas
ang humampas
sa bintana kong kagabi'y
naiwang bukas.
Ano'ng mainam gawin
sa umagang makulimlim
na may dalang malamig
na simoy ng hangin?
Ano pa kundi
ang sa kama'y manatili
at sa alapaap
ng panaginip
mamalagi.
- written one stormy morning in 2000
ang bumulaga sa akin
pagkagising mula sa tulog
na mahimbing;
hanging kaylakas
ang humampas
sa bintana kong kagabi'y
naiwang bukas.
Ano'ng mainam gawin
sa umagang makulimlim
na may dalang malamig
na simoy ng hangin?
Ano pa kundi
ang sa kama'y manatili
at sa alapaap
ng panaginip
mamalagi.
- written one stormy morning in 2000
Bagyo Bagyo Bantay Kabayo
Sa ilalim ng malambot kong kumot
may sumuot na maliit na hayop
sumipa sa diwa kong
himbing sa tulog
kumiliti sa talampakan kong bagot.
Ano itong bumulabog?
'Di pa kamo nagpapilit
nangulit nang nangulit
hanggang 'di na ko makabalik
sa pagkakaidlip.
Gising na!
Tanghali na!
Ang musa ng bagyo'y
kinakaon ka!
- written one stormy morning in 2000
may sumuot na maliit na hayop
sumipa sa diwa kong
himbing sa tulog
kumiliti sa talampakan kong bagot.
Ano itong bumulabog?
'Di pa kamo nagpapilit
nangulit nang nangulit
hanggang 'di na ko makabalik
sa pagkakaidlip.
Gising na!
Tanghali na!
Ang musa ng bagyo'y
kinakaon ka!
- written one stormy morning in 2000
Pagsisilang
Matagal din kitang ipinagtiis
Banye-banyerang mga salita ang
Pinalampas
Pinaalpas sa ihip ng mga gabing
Walang pasintabi
Kung liliparin
Ng hangin ang mga bugso
At kadyot ng damdamin
Tangay-tangay ang katinuang
Umaalpas
Na parang tubig sa mga kamay.
At ngayong kaharap na kita
Sa katulad na gabi
Ipagkakanulo ang himbing
Ng tulog
Upang dinggin ang mga umuudyok
Na kulog.
- written one stormy morning in 2000
Banye-banyerang mga salita ang
Pinalampas
Pinaalpas sa ihip ng mga gabing
Walang pasintabi
Kung liliparin
Ng hangin ang mga bugso
At kadyot ng damdamin
Tangay-tangay ang katinuang
Umaalpas
Na parang tubig sa mga kamay.
At ngayong kaharap na kita
Sa katulad na gabi
Ipagkakanulo ang himbing
Ng tulog
Upang dinggin ang mga umuudyok
Na kulog.
- written one stormy morning in 2000
Themes:
Beginnings,
Enchantment,
Poems in Filipino,
Poetry
Elixir
Be for me, sacred tea, an elixir of death
bid thy elements turn potent against me
drown me with your poisons that I may
taste sweet death; rage 'til my veins burst
stir a tempest within, a storm brew
to destroy this vessel with desire consumed
a fire set ablaze to raze my soul, torch my spirit
'til I am no more than dust for I lust for death
and rest. Then, bitter potion, sweet, sweet poison
summon the healer in you to conjure a cure
a concoction pure to rouse me from my savage death
call upon my spirit and let your venom sting no more
then let death from you bring life anew.
- written some time in 1999
bid thy elements turn potent against me
drown me with your poisons that I may
taste sweet death; rage 'til my veins burst
stir a tempest within, a storm brew
to destroy this vessel with desire consumed
a fire set ablaze to raze my soul, torch my spirit
'til I am no more than dust for I lust for death
and rest. Then, bitter potion, sweet, sweet poison
summon the healer in you to conjure a cure
a concoction pure to rouse me from my savage death
call upon my spirit and let your venom sting no more
then let death from you bring life anew.
- written some time in 1999
Heal Me Doctor
heal me doctor I think I have a tumor
in my brain help me sleep for I'm drained
nights have turned into nightmares spare
sweet heavens my life for I die in pain
when I lie in bed with the tumor in my head
death becomes an alternative so fetching
it scares me to think I can choose to sink
defeated by the disease or choose not to ask why
I dread each waking moment for
the unbearable comes with the rising of the sun
day dawns like twilight in my bones
operate on me doctor and break me open
to find the tumor in my head to stop the cancer
eating my brain put me up for my day at the room
soon cut me up slice me precisely remove the tumor
in my head anguish fills the life which is not
every nerve ending cries out torment unending
a tumor so reviling defiling me with thoughts
mothers would cringe at give me an anesthetic or
something for death I refuse to live without reprieve
for a life is not when
inside strife rules
anarchy reigns then kills
like cancer or a tumor
in the brain
- written some time in 1998
in my brain help me sleep for I'm drained
nights have turned into nightmares spare
sweet heavens my life for I die in pain
when I lie in bed with the tumor in my head
death becomes an alternative so fetching
it scares me to think I can choose to sink
defeated by the disease or choose not to ask why
I dread each waking moment for
the unbearable comes with the rising of the sun
day dawns like twilight in my bones
operate on me doctor and break me open
to find the tumor in my head to stop the cancer
eating my brain put me up for my day at the room
soon cut me up slice me precisely remove the tumor
in my head anguish fills the life which is not
every nerve ending cries out torment unending
a tumor so reviling defiling me with thoughts
mothers would cringe at give me an anesthetic or
something for death I refuse to live without reprieve
for a life is not when
inside strife rules
anarchy reigns then kills
like cancer or a tumor
in the brain
- written some time in 1998
Five Minutes of Ecstasy
Five minutes of ecstasy
flavored jelly dry in my tongue
every breath out the nostrils
euphoria-like smoke in a crystal ball;
discordant notes in my head
playing like Kurosawa's dreams
a bubble of cream
tracing down my throat
into my lungs where smoke
stay afloat.
- written some time in 1999
flavored jelly dry in my tongue
every breath out the nostrils
euphoria-like smoke in a crystal ball;
discordant notes in my head
playing like Kurosawa's dreams
a bubble of cream
tracing down my throat
into my lungs where smoke
stay afloat.
- written some time in 1999
Mouths Agape
Mouths agape
sucking in mouthfuls of air
eyes squinting
watery
face contorted
stretched
beyond capacity
driven taut
forcefully
by the fiery smoke
of an oral
chimney
death came
so suddenly
he never knew
what hit him.
- written some time in 1999
sucking in mouthfuls of air
eyes squinting
watery
face contorted
stretched
beyond capacity
driven taut
forcefully
by the fiery smoke
of an oral
chimney
death came
so suddenly
he never knew
what hit him.
- written some time in 1999
Subscribe to:
Posts (Atom)