Sapat na kaya ang minsang pagdadabog
sa harap ng mga piping dingding,
ang pagpukol ng inis sa maputing pader,
para ibsan ang nag-uumapaw na galit?
Sapat na kaya ang pananahimik sa telepono
habang kausap ang kaibigang alam mong
ipinagkanulo ka na sa demonyo?
O ang lumulon nang sapilitan para pigilan
ang pagbulwak ng kulong kanina pang
naghihintay kumawala mula lalamunan?
Paanong lulunasan ang hapdi ng sugat
sa pagkatao kung alam mong tagos
hanggang kaibuturan ang hiwa?
Sapat na kayang magpakalunod,
o magpakaanod kaya, sa kahibangan
ng kawalang-katinuan, sa kabaliwan?
Tama na kaya ang pagkitil ng daloy ng dugo
sa leeg, o 'di kaya sa braso, sa talas ng kutsilyo,
at ang pagpahid nitong mapulang dugo
sa imakuladang pader ng mga salitang,
"Heto ako, mga putang ina n'yo,
nang iniwan n'yo ako!"?
Sapat na nga kaya ito?
- written some time in 2000
Welcome to The Chronicle of Change
The Chronicle of Change is a collection of poetry written since the 1990s. As most of the poems are in hard copy, I will have to encode them one by one, so bear with me. I will be posting them as I go along.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.

Sunday, October 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment