Welcome to The Chronicle of Change
The Chronicle of Change is a collection of poetry written since the 1990s. As most of the poems are in hard copy, I will have to encode them one by one, so bear with me. I will be posting them as I go along.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.

Tuesday, November 27, 2007
Diyosa
Habang dahan-dahan mong
sinusuklay
ang iyong itim na buhok
gamit ang iyong
mala-kandilang mga daliri,
bumulwak
ang isang milyo't isang libong
salita mula sa aking bibig.
Nag-unahan,
nagsiksikan sa aking isip,
nagsumigaw,
kumawala.
Namulaklak ang mga dama
sa gitna ng katirikan ng araw
at sumabog ang nagmumura mong
bango.
Anu-anong mga sikreto ang nakasilid
sa likod ng kagandahan mo?
O, misteryo!
Sa bawat pagsuyod
paghawi
ng iyong korona, lumalim kang
parang palaisipan,
nagulumihanan ang kaluluwa.
Sino kang diyosang bumaba mula langit
para magparamdam,
magpakita sa 'kin?
Sino akong nilalang na
pinagkalugdan ng pagkakataong
mapagmasdan ka?
Umapaw ang berso
dumaloy ang mga salita.
Nagmistulang batis
ang aking bibig,
na kung pipigila'y
sasabog
sa pagkakapintog
sa naipong
tubig.
Dali-dali kong sinulat
ang tula
nang di kumawala,
humagod ang aking kamay
sa pagsabay
sa pagsabog
ng bulkan.
Pero sa muling pagmulat
mula sa panaginip,
naglaho ka
na parang estrangherong
'di na nakilala pa.
Sa miminsang sandaling
ibinaling
mula sa iyo ang paningin,
nanaig ang tadhana't
inagaw ka sa akin.
O, musa,
nasaan ka?
Buhos, ulan!
Diligan ang lupa
at pasibulin ang mga binhi
ni Demetrius.
Pasilabin ang araw, Zeus!
At payabunging muli ang ganda,
buhaying muli ang diyosang
minsang kumanti sa aking imahinasyon,
gumising sa nabubulok kong
laman,
at bumuhay sa namumutlang dugong
nanalantay sa mga ugat.
Uwak lang ang sumagot
sa aking mga panaghoy.
Naiwan akong tumatangis,
subsob ang mukha sa tigang na lupa.
Pinulot ko nang isa-isa
ang mga papel,
laman ang mga titik ng ala-ala
ng minsang pagpapakita
ng aparisyong kayganda,
ng multong kaaya-aya,
ng 'sang tunay na musa,
tunay na diyosa.
- written in 1999, inspired by Mina Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment