Welcome to The Chronicle of Change
The Chronicle of Change is a collection of poetry written since the 1990s. As most of the poems are in hard copy, I will have to encode them one by one, so bear with me. I will be posting them as I go along.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.
The dates of posting are not necessarily the dates of creation.
I do not and never will claim that they are good, but if you find value in them, I thank you. You are most welcome to comment. I welcome both praise and criticism.
If for any reason you need to quote, lift excerpts, print, publish, or refer to the poems in any way, I would appreciate a note or an email, an acknowledgment of ownership, and an acknowledgment of the website. Intellectual property rights do apply.
Tuesday, November 27, 2007
Alay sa Patrong San Miguel
I.
Oo, mapait ang beer pero lalagukin ko.
Pagdampi pa lang sa labi ko
nalalasahan na ang bisa ng lasong
iniinom ko. Buti na lang malamig
at nabawasan nang kaunti ang pait.
Sa pag-agos ng cerveza sa aking dila
dahan-dahan ding kumakalat hanggang utak
ang kakaibang lasang nararanasan.
Hayan, tikman mo. Lasapin ang lahat
ng sakit ng mundo. Buti na lang mapakla,
pinaimpis ng laway ang pait, pero sige,
lagok lang nang lagok. Magpakalunod
sa alkohol na nakalalango. Lunurin
ang sama ng loob. Kapag tumagal-tagal
malilimutan din ang sakit ng ulo...
o puso? Ewan! Basta ang alam ko
sa gabing ito tatalikuran ko ang mundo,
ang lahat ng taong pabigat sa buhay ko.
Leche! Tangina nilang lahat! Hala, lagok!
Hayan... medyo gumagaan ang pakiramdam.
Ganyan lang. Sige pa, patugtugin lang
ang samba na sasabayan ko sa kinauupuan.
Puta! Ang gaan ng feeling! Umiinit na rin
ang tiyan, pamalit sa init na dapat sa puso
nararamdaman. Masarap din naman.
At least nalilimutan ko problema ko,
ang mga hinayupak na... hep hep hep!
Teka lang. 'Di ngayon ang oras ng kalungkutan.
Beer pa nga!
II.
San Miguel! Siya lang ang sasantuhin ko
ngayong gabi. Sige pa, yosi! Habang hinihintay
ang pukenanginang beer na... Waiter!
Ah! Salamat. Hayan... sige, ibuhos mo.
Lagyan mo ng yelo. Marami. Ano nga ba
ang kanina kong sinasabi? Ah, santo!
San Miguel! Haha! Si San Miguel na patron
ng mga halang ang bitukang tulad ko.
Kaya kong uminom ng tatlong bote
dire-diretso! Alam mo ba 'yon? Walang puknat!
Without batting an eyelash, 'ika nga.
Tangina, paubos na 'tong pangalawa ko.
Maya-maya oorderin ko na ang pangatlo.
Sa mga panahong gaya nito na walang direksyong
pinatutunguhan ang isip ko, beer lang ang katapat!
'Kita mo, dalawang bote pa lang halos
solved na 'ko. Nalilimutan ko na'ng mga punyetang
problema ko. Hala, sige! Inom! Hithit! Buga! Inom!
Umindak sa samba! Sayaw! Sayaw! Sige pa!
Tangina! Tangina! Putangina! Takot ba 'kong
harapin ang mga problema? Suntukan na lang!
Hahamunin ko silang lahat na nagpapasakit
sa buhay ko! Hahamunin lang naman eh.
'Pag pumalag, ibang usapan na 'yon.
'Pag nandiyan na uurong ka pa ba?
Waiter, beer pa!
III.
Oo, mapait ang beer. Pero sa unang bote lang 'yon.
Sa pangalawa, sa pangatlo, tumatamis na 'to,
parang ang lintik na buhay ko! Waiter, beer pa!
Syet, may beer na pala. Never mind.
Okay na 'to. (Okay na nga ba 'ko?) Uubusin
ko na lang 'to. Pangatlong boteng lalagukin
nang walang puknat. Without batting a fucking
eyelash! Wala nang yelo pero kaunti na lang
naman 'to. Titiisin ko na lang ang cervezang
mainit, kahit mapait. Naglalaway pa rin naman ako.
Siguro 'di ko na mararamdaman ang sama ng loob,
'di na malalasahan ang pait. Ha? Last order na?
Hindi na. Okay na. As far as I'm concerned
tapos na. Tapos na ang gabing ito. Paggising ko
bukas siguro masakit ang ulo ko. 'Di bale.
At least 'yon ang naiisip ko. Hindi ang mga
problema ko. Tapos na rin ang samba.
Nag-uuwian na ang mga customer ng Cafea.
Kasama ko na lang 'tong huling bote ko
ng cerveza, nakapatong sa mesa, naghihintay
na ubusin ko, inumin, lagukin, kahit mapait
kahit mainit.
- written in 1999 at Cafea
Diyosa
Habang dahan-dahan mong
sinusuklay
ang iyong itim na buhok
gamit ang iyong
mala-kandilang mga daliri,
bumulwak
ang isang milyo't isang libong
salita mula sa aking bibig.
Nag-unahan,
nagsiksikan sa aking isip,
nagsumigaw,
kumawala.
Namulaklak ang mga dama
sa gitna ng katirikan ng araw
at sumabog ang nagmumura mong
bango.
Anu-anong mga sikreto ang nakasilid
sa likod ng kagandahan mo?
O, misteryo!
Sa bawat pagsuyod
paghawi
ng iyong korona, lumalim kang
parang palaisipan,
nagulumihanan ang kaluluwa.
Sino kang diyosang bumaba mula langit
para magparamdam,
magpakita sa 'kin?
Sino akong nilalang na
pinagkalugdan ng pagkakataong
mapagmasdan ka?
Umapaw ang berso
dumaloy ang mga salita.
Nagmistulang batis
ang aking bibig,
na kung pipigila'y
sasabog
sa pagkakapintog
sa naipong
tubig.
Dali-dali kong sinulat
ang tula
nang di kumawala,
humagod ang aking kamay
sa pagsabay
sa pagsabog
ng bulkan.
Pero sa muling pagmulat
mula sa panaginip,
naglaho ka
na parang estrangherong
'di na nakilala pa.
Sa miminsang sandaling
ibinaling
mula sa iyo ang paningin,
nanaig ang tadhana't
inagaw ka sa akin.
O, musa,
nasaan ka?
Buhos, ulan!
Diligan ang lupa
at pasibulin ang mga binhi
ni Demetrius.
Pasilabin ang araw, Zeus!
At payabunging muli ang ganda,
buhaying muli ang diyosang
minsang kumanti sa aking imahinasyon,
gumising sa nabubulok kong
laman,
at bumuhay sa namumutlang dugong
nanalantay sa mga ugat.
Uwak lang ang sumagot
sa aking mga panaghoy.
Naiwan akong tumatangis,
subsob ang mukha sa tigang na lupa.
Pinulot ko nang isa-isa
ang mga papel,
laman ang mga titik ng ala-ala
ng minsang pagpapakita
ng aparisyong kayganda,
ng multong kaaya-aya,
ng 'sang tunay na musa,
tunay na diyosa.
- written in 1999, inspired by Mina Ong
Pokemon
At 3:10 in the morning
he gave up all hope of ever
finding
the source of his
unhappiness.
There was no one to call
no one
to talk to and blame
for his
misery.
So he pointed
an extended
middle finger
and poked it
into his eye and he
bled
and bled
and he bled
profusely.
Then he said, "Go
fuck yourself!"
'til his brain was all mush
and his eyes were
nothing
but a bleeding
bobbing
dead pokemon
peering up at him
from the floor.
- written some time in 1999
Adonis
Huwag ka nang magmalinis
na para kang Adonis
dahil minsan mo nang
hinubaran ang sarili
sa aking harapan.
Tigilan ang pagpapaka-santo
dahil 'di bagay sa 'yo
ang pagpapa-awa.
Hindi ako bato
para di mapansin
ang pabago-bago mong anyo
tuwing kaharap ako.
Mag-plastikan pa ba
ngayong nagsisitanda na tayo?
Feeling ko ginago mo 'ko,
ngayon pang alam ko nang
bakla kang hinayupak ka.
Ano ba talaga'ng problema?
Baka matulungan pa kita.
Sabihin mo nang diretso,
walang lamangan,
manu-mano.
Kung may problema ka sa 'kin
sabihin mo, gago!
Dahil nakakainis
ang pagmamalinis,
pagpapaka-Adonis.
- written in 2000 for a friend
Dream for the Unwilling Insomniac
As I lie on my chest
the beating in my heart
strung beyond sleep
spirit aroused
amidst the overwhelming presence
of death
(the guests
have all gone home to bed
the rest
of us lying on pews
of hard wood
laid one
in front of another);
I am paying my dues
as the son of a daughter
whose estranged father
lay frozen
in death.
Maybe it was the coffee
or the looming
ending of agony.
Or maybe not.
As I lie on my makeshift bed
I curse the demons
for shaking the pedestal
of my soul.
(Oh cruel!)
The evils of a conscience
unbound beget
turmoil in the compromised
individual.
Bury me now
and hang a sign:
"R.I.P. Do not disturb."
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Ala-Ala ng mga Anak at Apo
Dalawang bigkis. Kamia. Tuyo.
Pulumpon ng bulaklak. Bulok.
(Walang rosas o orkidya.) Kandelabra.
Tanso. Dalawa.
(Pundido ang isang bumbilya.
Tabingi ang nasa gawing kanan.)
Kandila. Dalawang malaki.
Upos.
(Tunaw kahapon pa.
Wala nang nagpalit.) Kurtina.
Puti. Pula. May mantsa.
Maliit na plastic bag
ng barya.
Ano pa?
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Punebre (Awit sa Patay)
Putang mga ama!
Maagang nangawala
isa-isang nag-alsabalutan
naiwan
kawawa naman
kaming kapos sa karanasan.
Sino ngayon
sasalo sa mga naiwan n'yo?
Ako?
Kami?
Ano, bali?
Putang mga ama talaga!
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Maagang nangawala
isa-isang nag-alsabalutan
naiwan
kawawa naman
kaming kapos sa karanasan.
Sino ngayon
sasalo sa mga naiwan n'yo?
Ako?
Kami?
Ano, bali?
Putang mga ama talaga!
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Sa Burol
Habang lalo kong tinititigan
ang kabaong mong puti
lalo akong nandidiri.
Nakapanlulumo
ang balatkayo mo
sa loob ng kahang kuwadrado.
Patay na nagmamalinis
binabalot ako ng inis
habang sa isip ko
pumupunit ang
halakhak na mapait.
Tutungkabin ko na lang
ang mga sugat kong naglangib.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
ang kabaong mong puti
lalo akong nandidiri.
Nakapanlulumo
ang balatkayo mo
sa loob ng kahang kuwadrado.
Patay na nagmamalinis
binabalot ako ng inis
habang sa isip ko
pumupunit ang
halakhak na mapait.
Tutungkabin ko na lang
ang mga sugat kong naglangib.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Parlor Games
Hala! Hawiin ang mga baraha!
Tarang lumimot panandalian
at tumawa sa pandaraya
ng tusong kaanak
na tumoma ng kapeng
tinitipid sana hanggang bukas
sa libing. Balasahin
ang mga murang malulutong
hanggang maubos ang panlalait
at ang pantaya sa gitna.
Iwaglit sa isip lahat ng pangamba
dahil bukas lahat 'to tapos na.
Huling gabi ng lamay sa patay
kaya, sige na! Sagarin
hanggang masaid ang bulsa!
Kahit lakarin na lang pauwi
bukas ang kalbaryo
pa-sementeryo. Sige, taya
nang lumagong lalo ang biyaya.
Huwag lang kalimutan:
(Tuloy ang bigayan!)
Ang buhay, sugalan.
Ang patay, abuluyan.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Tarang lumimot panandalian
at tumawa sa pandaraya
ng tusong kaanak
na tumoma ng kapeng
tinitipid sana hanggang bukas
sa libing. Balasahin
ang mga murang malulutong
hanggang maubos ang panlalait
at ang pantaya sa gitna.
Iwaglit sa isip lahat ng pangamba
dahil bukas lahat 'to tapos na.
Huling gabi ng lamay sa patay
kaya, sige na! Sagarin
hanggang masaid ang bulsa!
Kahit lakarin na lang pauwi
bukas ang kalbaryo
pa-sementeryo. Sige, taya
nang lumagong lalo ang biyaya.
Huwag lang kalimutan:
(Tuloy ang bigayan!)
Ang buhay, sugalan.
Ang patay, abuluyan.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Epitaph
Here lies...
Here lies the dreams
and aspirations
of an era gone by;
the wisdom of the ages;
and the candid
humor of life.
Here lies the nightmares
and miseries
of an oppressive past;
the foolishness of an old man;
and the cursed
sarcasm of fate.
May God have mercy on my soul!
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Here lies the dreams
and aspirations
of an era gone by;
the wisdom of the ages;
and the candid
humor of life.
Here lies the nightmares
and miseries
of an oppressive past;
the foolishness of an old man;
and the cursed
sarcasm of fate.
May God have mercy on my soul!
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Monday, November 19, 2007
Huling Hantungan
Walang punebreng umalingawngaw
bagkus, ingay ng nagngangalit
na makina ng trak at harurot
ng rumagasang tricycle
ang pumuno sa mga sulok
ng purgatoryo mong kinalalagyan.
Walang halimuyak ng kung anong
bulaklak ang kumalat
usok lang ng tambutsong itim
at alikabok ang nasagap
nalanghap sa likod
ng de-rehas mong kulungan.
Walang bisitang naghatid
sa 'yo sa huling himlayan.
Sayang, pitumpu't anim na taon
kang nabuhay nang kapos
naghihikahos hanggang
huling hantungan.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
bagkus, ingay ng nagngangalit
na makina ng trak at harurot
ng rumagasang tricycle
ang pumuno sa mga sulok
ng purgatoryo mong kinalalagyan.
Walang halimuyak ng kung anong
bulaklak ang kumalat
usok lang ng tambutsong itim
at alikabok ang nasagap
nalanghap sa likod
ng de-rehas mong kulungan.
Walang bisitang naghatid
sa 'yo sa huling himlayan.
Sayang, pitumpu't anim na taon
kang nabuhay nang kapos
naghihikahos hanggang
huling hantungan.
- written some time in 2000 at the wake of a grandparent
Subscribe to:
Posts (Atom)